Monday, April 18, 2011

Lakad kung lakad

(originally written last July 30, 2009)
babala: ang blog na ito ay luma na. na-retrieve ko lang 'to sa aking multiply site. haha!




"2 pa kulang. Kaliwa-kanan pa ho yan oh, konting usod na lang po ng makaalis na kayo. Hindi po kayo makakaalis kung hindi kayo uusod, kayo rin ho ang matatagalan. Oh 1 nalang! kanan ka miss. Oh larga na!", ang sabi ng barker sa terminal ng jeep.

Pasado 5:34 kahapon ng hapon ng mangyari ang hindi inaasahan.

Habang taimtim at matiwasay na tinatahak ng "old jeep" na nasakyan ko ang kahabaan ng north luzon expressway at mas kilala sa pangalang nlex ay biglang may isang malakas na ingay ang umalingawngaw. BOOOOOOMMMM!!!! ang tunog na aking narinig, pero di ko talaga sure, BOOOOOGGGG! yata yun, basta sure ako either of the two. Pagkatapos naming marinig ang tunog na yon ay nagsimula nang magpagewang-gewang ang "old jeep" na nasakyan ko. Kaboom baby! sumabog ang gulong, at take note, hindi lang siya basta flat, sabog talaga. Sari-saring reaksyon at ekspresyon ng mga pasaherong kasama ko sa "old jeep" ang sumambulat sa aking mga mata. Maraming tumiling babae, pati ang bading na katabi kong naka-kulay blue at yellow na tshirt. Sambakol naman ang mukha ng mamang nasa harap ko, malakas ang kutob kong natatae na yun kaya umalis na agad siya ng "old jeep" at naglakad. Mukhang nabadtrip naman ang estuyanteng nagising dahil natagtag sa byahe nung sumabog yung gulong, puyat yata yun kakaaral kung anong magandang build kay ogre magi. Yung isang babaeng katabi ko dedma lang, as if walang nangyaring delubyo sa amin. Yung "old man" na driver ng "old jeep" ay agad na kinuha ang kanyang mga gamit at spare na gulong para palitan yung nasirang gulong. Confident siyang maaayos niya agad ang jeep, pati ako na-uto sa tindi confidence niya. 10 mins. after walang pagbabagong naganap. Sabog pa din ang gulong, unti-unti nang naglalabasan ang mga pasahero, pinagpapawisan na si manong driver at mukhang naghihintay nalang na makakuha ng tamang pagkakataon para sabihin sa amin na "pasensya na po kayo, lipat nalang po kayo ng jeep o kaya po lakarin nyo nalang hanggang sa tollgate ng marilao, malapit nalang po yun eh." At siguro sa loob-loob ni manong driver hinihintay nya nalang din na marinig sa mga pasahero ang mga lait, reklamo at mura. Sa puntong iyon saglit akong tumingin sa aking "swatch" na wrist watch na suot ko na first year hayskul palang ako, nakita ko ang oras, its getting late, may hinahabol pa akong appointment ng  6:00pm at di ko sasabihin kung ano yun. hahaha (joke lang yun). Noon din ay napagdesisyunan ko nang umalis na ng jeep at maglakad na sa kahabaan ng nlex. Hmm. lakad? sa nlex? pwede ba yun? pano?

OO. Naglakad ako sa nlex pero sa gilid lang. Binigyan ako ng 2 option ng tadahana, a.) maghintay ng 1 week sa loob ng jeep bago ito makumpuni ni manong driver; b.) maglakad sa nlex. Pinili ko ang letter b. Naglakad ako sa nlex. Ang saya pala ng pakiramdam ng naglalakad sa nlex. Agaw pansin sa mga motorista. Halos lahat ng dumaan pinansin ako sa pamamagitan ng pagbusina nila sakin, grabe, sumikat ako instantly. Hinihintay ko nalang na dumaan ang patrol para ihatid ako sa tollgate pero walang dumating. Binilisan ko ang lakad ko. Mga 15 mins din akong naglakad sa gilid ng nlex. After 15 mins nakarating din ako sa tollgate ng marilao. Yes, pero di pa dun natatapos dahil maglalakad pa ulit ako ng mga 15 mins para makarating sa sakayan ng jeep. Whoo. Hulas. Pawis. Pagod. Nakarating din sa sakayan ng jeep. Mga 5 mins and 04 sec. na ang lumipas wala pang jeep na dumadaan. May tricycle na dumating, dinedma ko lang. 1 min. and 33 sec. pa ulit ang lumipas at  malagkit pa din ang tingin sa aking ni manong trike driver, tinanong ko na si manong trike driver kung magkano hanggang hi-way, Php 8.00 daw, mura lang pala, parang jeep lang din ang pamasahe. Sumakay na ako pag sakay ko sa upuan sakto may dumaang jeep. Beri gud! Sabi na nga ba eh dapat pinairal ko ang patience ko, pero ayos lang, mas convenient sa trike, at mas mabilis. Ayos. Nakauwi din.

Narealize kong isang achievement ang makapaglakad sa nlex. Hindi lahat ng tao ay nabigyan ng pagkakataon na maglakad sa nlex. May sigurado na akong maipagmamalaki ko sa buhay ko-nakapaglakad ako sa nlex. Pag may hayskul reunion kami maipagmamalaki ko sa mga hayskul friends at teachers ko na, mga pre, sir at ma'am, if there's one thing na proud ako sa sarili ko yun ay yung nakapaglakad na ko sa nlex. O kaya naman sa parents mo, nay, tay,salamat sa pagtuturo niyo saking lumakad noong bata pa ako, kundi dahil sa inyo hindi ko siguro maeexperience maglakad sa nlex. O kaya naman kung mag-aaply ka sa trabaho pede mong ilagay yun sa resume mo, sa section ng experiences mo, i was able to walk at nlex, pogi points yun, wala pang ibang nakakagawa nun, ikaw palang. Tapos pag job interview na, pag tinanong na sayo na what makes you qualify for this job? pede mo na ulit ibida at ipagmalaki yun, sir/ma'am the fact that i was able to walk at nlex makes me qualify for this job. Oh diba? astig nun. May advantage na ko pag mag-aaply ako sa trabaho. Ayos, ang galing ko talaga, buti nalang pinili ko yung option b.) kung hindi malamang wala akong ganung experience. At syempre nais kong magpasalamat kay manong jeepney driver dahil kundi dahil sa bagal niyang kumilos eh malamang di ko lalakarin yung nlex.

Hehe, just wanna say na dapat ay matuto tayong magpasalamat sa Diyos sa bawat pangyayari sa ating mga buhay, whether we like it or not. Just keep in mind na yun ang gusto ng Diyos para sa atin. We just have to listen and believe the voice of truth. Ang dami kasi nating reklamo, wala naman tayong ginagawa kundi magreklamo ng magreklamo, mga whiner tayo masyado. Kailangan lang natin ay sumunod sa Diyos-tsuper ng buhay natin, para maging maayos ang takbo ng mga gulong natin sa pagtahak natin sa isang mahabang paglalakbay na karaniwang tinatawag ding "buhay". 


"O ayos na pala yung gulong eh, larga na ulit!"

No comments:

Post a Comment