Monday, April 18, 2011

Aba! 3rd Year na Pala Ako!

(originally written last July 19, 2009)
babala: ang blog na ito ay luma na. na-retrieve ko lang 'to sa aking multiply site. haha!


Tik-tak-tik-tak-tik-tak, ang sambit ng orasan sa paglipas ng kaybilis na oras na halos di natin mamalayan.

Ang bilis, parang may hinahabol, nagmamadali ang oras.

Oo, mabilis ang oras at kung hindi mo ito namamalayan...eh di hindi.

Parang kailan lang inabot sakin yung diploma ko nung hayskul sa covered court na laging inaarkila ng skul namin tuwing recognition at graduation, pati pala JS Prom, tapos ngayon halos nangangalahati na ko sa kolehiyo. Sabi ko sayo ang bilis diba?

Sariwa pa sakin nung nag-entrance exam ako sa mapua, sa may avr 2, sa tabi ng aircon dahil dun daw ako umupo sabi ng proctor at dahil masunurin akong bata sumunod naman ako. Nung una naeenjoy ko pa ang lamig nito pero habang lumilipas ang oras at habang taimtim akong nag-iisip ng mga isasagot ko sa answer sheet unti-unti kong nararamdaman na lumalamig na, lumipas pa ang ilang minuto nanginginig na ko sa upuan ko pero hindi ko pinapahalata sa katabi ko at baka kung ano pang isipin niya. Para labanan ang panglalamig tuloy-tuloy lang sa pagkawag ang aking mga paa dahil napag-aralan ko sa science nung grade 6 ako mga bandang october 21 yun na motion produces heat daw. Di ko alam kung nabawasan nga ang panglalamig ko pero patuloy padin ang pagkawag ng mga paa ko at patuloy na umaasang mapapainit nito ang pakiramdam ko. Natapos ang exam, nasagot ko naman lahat. Pakiramdam ko mas napagod  pa ang paa  ko kaysa sa utak ko. Napagod din yung gull bladder ko kahit na hindi ko alam kung anong gingagawa nun sa katawan ko. Lumabas na ko ng avr2  at kinuha  sa shelf ang bag kong binili pa ng nanay ko sa divisoria at tuwang-tuwa ako nung ibinigay nya yun sakin. Umuwi na ko. Pagdating ko sa bahay chineck ko agad ang resulta ng exam sa website ng mapua, nalungkot ako dahil wala pa ang resulta next week pa daw ilalabas. Kahit na sinabi na nilang next week pa ilalabas ang resulta araw-araw ko pa din chinec-check sa internet para malaman kung pumasa ba ako matapos mag-exam katabi ng centralized airconditioner. Thursday, chineck ko ulit, sa wakas, hindi ako bagsak, pasado ako!

Ilang araw ko din pinagyabang yun mga kaklase ko nung hayskul, papasok ako na nasa bulsa ng polo ko yung resulta nung exam at medyo nakaangat ito para madali nilang mapansin, tagumpay ang plano ko, madali nga nilang napansin. haha. ang galing ko. (joke lang).

Pagkatapos kong kunin ang diploma ko sa covered court kung saan laging pinagdarausan ng  recognition at graduation at, teka, parang nasabi ko na to kanina? eto nalang, matapos kong abutin ang diploma ko at kamayan ang guidance counselor naming masungit na ikinasal na daw last month sa manila cathedral at nagreception sa manila hotel, ano'ng pakialam ko, hindi naman ako imbitado. Papaigsiin ko na, pagkatapos kong makagraduate ng hayskul inasikaso ko na ang enrollment ko para sa college.

Ang haba ng pila sa LRT pero nakasakay naman ko, dun ko unang naranasang makisakay sa agos ng mundo dahil talagang tatangayin ka sa loob kahit hindi ka maglakad. Doon ko din unang maranasang mapagitnaan ng mga taong hindi ko alam kung hindi naliligo o kung sibuyas ang gamit nilang deodorant, masuka-suka ako noon. 5th avenue palang gusto ko nang bumababa pero central pa  ang destinasyon ko kaya tiniis ko nalang pero hindi nila matiis at tinaas pa nila ang kamay nila, di ko na matiis, nilabas ko na ang panyo kong pierre cardin na inarbor ko pa sa kaklase ko nung hayskul. Sa wakas nakarating din sa central terminal. Narealize ko ang kahalagahan ng fresh air. Konting lakad, about 607 steps, nakarating ako sa mapua.

Pagpasok ko sa mapua ang daming tao at maraming hindi mukhang tao. madali lang mag-enroll, mabilis lang, pero hindi pa dun natatapos dahil kahit bayad ka na sa tuition fee kelangan mo pang bumalik next month para sa medical exam. Binigyan kami ng 2 maliit na plastic container, napakamot ako sa ulo, alam ko na kung para saan ang 2 iyon, bahala na kayong manghula kung ano yon. Dumating na ang araw ng medical exam, binalot ko ng 5 layer ng  broadsheet na dyaryo ang binigay sa aming maliit na container, para secure, para safe. Pinakaiingatan ko yun nung araw na yon, mabagal ang lakad ko, hindi ako nakipagsiksikan sa LRT, maingat ako hanggang sa makarating sa mapua. Ibinigay ko na sa medical staff na nandun. Isang small sized plastic cup  na may lamang kulay brown ang pumukaw sa aking atensyon. Galing yun sa lalaking kasabay kong nagpasa. Guess what kung ano ang laman nung plastic cup na yun. Gusto nyo bang malaman? Ako ayoko nang maalala pa yun. Natawa nalang ako nung sinabi nung medical staff "kuya ang dami nyan ah". Pagkatapos dun, nagpa-x-ray ako, nagpa-eye-check up at nagpadental check-up. Tapos na ang medical exam. Uwian na.

Pasukan na. College na ko. Madaming nangyari, hindi ko na sasabihin lahat dahil baka makagawa na ako ng libro. Naging 1st year ako, masaya. Enjoy. Cool maging mapuan. Naging 2nd year na ako, masaya pa din, Astig. Mahirap. Nakakapagod maging mapuan. At ngayon, ay hindi pa pala ngayon, bukas pa pala ko official na magiging 3rd year. Bukas 3rd na ko hindi ko alam kung ano ang mga susunod na kabanata ng buhay ko dahil wala  naman akong kapangyarihang makita ang hinaharap at di ko gugustuhin na magkaroon ng ganoong uri ng kapangyarihan. Pero isa lang ang sigurado ko, magiging maganda, masaya, enjoy, exciting, cool, astig, productive, challenging, fruitful at cheerful(huh? bakit nasama ang cheerful?) ang pagiging 3rd year ko. Sigurado ako dyan, 100% panatag, bakit kamo? dahil nandyan ang Panginoon. Kasama ko siya. Walang dull moments kahit na santambak na ang plates, kahit na mala-quad-core na ang eyebag mo at pwede mo ng gawing coin purse at kahit na matae-tae ka na sa  tindi ng pressure. Sabi nga ni robin padilla sa commercial niya sa revicon "think positive, wag kang aayaw", maging optimistic at wag susuko (parang ganun din yun ah?). Basta kasama ko ang Diyos walang problemang hindi malulutas, dahil kasama ko ang sagot at solusyon sa mga problema.

Ikaw, 3rd ka na din ba? oh kahit hindi ka pa 3rd yr at kahit hindi ka sa mapua nag-aaral, kasama mo din ang Diyos, nandyan lang siya sa tabi mo, nakatingin sayo, binabantayan ka. Ang suplado/suplada mo kasi , pansinin mo siya, hinihintay ka ni Hesus na magkwento ng istorya mo. Pakikinggan ka niya. Sasamahan ka niya. Hindi ka niya iiwan kasi mahal ka niya. Mahal na mahal ka niya.

Tik-tak-tik-tak-tik-tak. Ang sambit ng orasan sa paglipas ng kaybilis na oras dahil 11:16pm na pala at hindi ko namalayan, may pasok pa ko bukas.

Aba, 3rd yr. na pala ako!

No comments:

Post a Comment