Friday, September 30, 2011

Ang Tunay na Kaibigan(Ang Ikalawang Pag-Iyak)


Alam mo yung nasa MRT ka tapos mangilid-ngilid yung luha mo? Yung tipong naipit yung mga kamay mo sa dami ng mga tao at hindi mo matakpan yung patulo palang na patak ng luha sa mata mo.

It was my experience this morning. Actually nasa jeep palang ako nag-sisimula ng maging active ang tear glands ko. Just having thought of him na nasa byahe papuntang airport, it really breaks my heart. Luckily I was able to hold back. Hehe. Ang hirap pigilin ng luha no! Sa totoo lang hindi naman ako iyaking tao, bihirang-bihira lang talaga kong umiyak. Iilang tao palang ang nakapag-paiyak talaga sakin. Una yung mga nambully sakin yung nursery ako(kinder na yata yun? Ewan ko. Hindi ko din alam kung may nambully ba sakin o kung ako yung bully. Haha!) Pangalawa, yung pari nung recollection namin nung grade 6 ako. Tapos, siyempre family ko. Tapos si Richelle nung February 12, 2010. Haha! (Peace pards!) Tapos yung mga pastor sa Destiny nung nag-encounter ako. At ang latest na nagpaiyak talaga sakin ngayon eh si Erick Jayson delos Santos. Ibang klase ngang magpa-iyak yun eh, grabe. Hindi naman ako usually tinatablan ng mga dramang may aalis pero it was different when you are the one experiencing the "paglisan" part. Ngayon ko lang talaga to naramdaman. Yung kapag mag-isa lang ako at naaalala kong umalis ka na pala bigla nalang tutulo yung luha ko. I am trying not to cry but I can't help it. Hindi ko kayang pigilan, ang hirap din kasing pigilan. Mahirap kimkimin sa loob. Dapat ilabas. Hehe. Tignan mo yang ugali mo, dahil sayo naging iyaken tuloy ako. Haha! Natatawa nga ako sa sarili ko kanina, habang kumakain ako ng lunch sa opisina umiiyak ako, instant sabaw nga eh(pero hindi kasama yung sipon, luha lang. haha!) 

Ayun, sabi nga sayo ni David ibang klase yung ugali mo. Ibang klase naman talaga. The way you interact with people, the way you throw your pickup lines and jokes, it was awesome! I'm not like that. I can't do it the way you do it. It's just a lot better than ours. Hehe. Para kang may AoE na Confidence Aura, kasi tumataas talaga confidence ko pag ikaw ang kasama ko, siguro nga dahil sadyang makapal lang ang mukha mo at nadadamay kami ni David. Haha! Pero ang laking tulong nun ah! Madami akong nagawang mga bagay na hindi ko naman usually nagagawa pag mag-isa lang ako o pag si David ang kasama ko. Iba ka nga kasi talaga eh. Haha! Unaware ka lang sa mga impact na nagagawa mo sa buhay ng mga taong nakapaligid sayo, at isa na ko dun. MARAMING MARAMING SALAMAT TALAGA! 

Hindi ka pa man nagtatagal dyan eh excited na kaming lahat sa pagbabalik mo dito. Kaya siguraduhin mo lang na babalik ka, kundi yari ka samin. Hahaha! Ayusin mo buhay mo dyan ah! Pag ikaw nag-loko diyan, uupakan talaga kita! Haha! Ang devotion at prayer life wag kalimutan ah. Hehe. Pag may problema magmessage ka lang sakin sa FB, Friendster, Multiply, Tumblr o Yahoo at susubukan kong makatulong sa abot ng aking makakaya. Hehe. Lagi ka pa din namang kasama sa mga prayers namin. May bago na naman ako isusulat sa dream book ko--ang umuwi ka na dito. hehe! Ang dami kong natutunan sayo nung nandito ka pa, at kahit ngayong umalis ka na eh madami pa din akong natututunan sayo. Ibang klase ka. Natutunan ko ulit kung paano magpahalaga sa mga tunay mong kaibigan.  Our friendship itself is a compilation of life's lessons. Kahit wala ka dito, palagi ka pa din namang nasa puso namin(halos maubos na nga yung space sa puso ko eh, ang laki nung inoccupy mo eh. hahaha!) Siyempre malaking kawalan ka, wala ng sisigaw bigla ng "teh,9,8,7..."  pag gumagala tayo. Wala ng magkukwento tungkol sa mga gadgets at kung ano-anong update sa tech-world. haha! Ang dami ko tuloy mamimiss ngayong wala ka na dito. Pati sa bday ko wala ka, anu ba yan! haha! Ang daya mo! Tama na siguro 'to, baka magkaroon pa ng part 3 eh, maiiyak na naman ako nito eh. haha! SOBRANG SALAMAT TALAGA. Naalala ko yung text mo sakin after nung bday mo, "Salamat sa astig niyong gifts pero mas astig ang maging kaibigan ko kayo :')" Noon palang ibig ko nang humagulgol eh. Wag ka kasing magdadrama. Nang-aano ka eh. Haha! Pero gusto ko lang malaman mo mas astig pa din na naging TUNAY NA KAIBIGAN KITA.  

Where FRIENDSHIP is spelled as EMMAN, DAVID AND JAYSON.  

Hindi naman talaga ko iyaking tao pero mula kagabi hanggang sa mga oras na 'to ay patuloy ang pagtulo ng mga luha ko kalakip ang mga pangarap ko para sa'yo. 

Para sayo 'to ERICK JAYSON DELOS SANTOS, isa kang tunay na kaibigan.Nagmamahal, ang iyong tunay na kaibigan, EMMAN SUAREZ. 

Ang Tunay na Kaibigan Ay...


Si Jayson. 

Ibang klase. Ibang klase ang kapal ng mukha pati ikaw mahahawa. Hahaha! Peace men! 

3 kami sa gang(wow ah! competitive ang dami ng members ng gang. haha!) namin, binubuo ng 3 notorious at kilabot na sina Emman, David at Jayson. Hindi ko na maalala kung paano nagsimula ang kwento basta alam ko mga bata palang kami magkakasama na talaga kami. Magkakasama kaming naliligo sa sapa, sa ilog, sa batis at sa kung saan-saan pang small body of water(pero dapat alam niyo na sa ngayon na joke lang yun.) Pero totoo yung mga bata palang kami magkakasama na kami, hindi pa nga lang kami ganun ka-close katulad ngayon. 

Mula sa pagka-bata hanggang sa pagbibinata hanggang sa naging mama hanggang maging matanda e kayo ang aking mga tunay na kaibigan. Sa hirap at ginhawa, sa sarap at pagdurusa, sa tawanan at iyakan, sa kwentuhan at kabarberuhan, sa inuman(ng yakult) at pulutan(ng bituka at dilis na pula) kayo ang lagi kong kasangga. At dahil dyan ginanahan akong magsulat ng blog.

Jayson para sayo 'to. (David, wag ka magtatampo. Hehe. Alam kong maiintindihan mo ko.)
Kung may pipiliin akong mga tao na gusto kong manatili sa buhay ko, isa ka sa mga pipiliin ko(so gay! hahaha!) Hindi dahil may nararamdaman ako para sayo(dahil alam kong ikaw ang may nararamdaman para sakin. hahaha!) pero dahil ang dami kong natutunan sayo, mukhang joke pero totoo. Kahit madalas kalokohan ang pinagagagawa natin eh may mga bagay kang tinuro sa akin na hindi ko makakalimutan. Madami akong natutunan sayo unang-una kung pano dumiskarte sa chicks(joke lang pards. hehe. Si David talaga yung nakinabang dun. Haha!) Ang dami kong natutunan sa mga simpleng diskarte sa buhay. Natuto din ako sayo kung pano kumuha ng malupit na shot sa camera. Ikaw ang 2nd kong idol sa photography(1st si manong Dan. hehe.) Kung di siguro ikaw ang kasama kong kumukuha ng mga litrato eh malamang hindi ko na tinuloy yun. Ikaw ang nagturo sakin kung pano magdesign ng simple pero rock. Ikaw ang nagturo sakin ng website ng redbucks na red****.com. Hahaha! Yun talaga ang pinakaimportante sa lahat eh! hahaha! Ikaw din ang nagturo sa akin kung pano matawa at maging masaya sa kabila ng kaba, pressures at problema. Ikaw ang nagturo sa akin kung pano magpasaya ng iba sa mga oras na problemado at malungkot sila. Ikaw ang nagturo sa akin na ipakita kung sino kang talaga, na hindi mo kailangang magpretend, hindi mo kailangang magpanggap na ibang tao ka. Alam kong hindi mo sinadyang ituro sakin ang mga ito(maliban dun sa website ng redbucks. haha!) pero ito yung mga bagay na natutunan ko sa buhay mo sa ilang taon ng pagkakaibigan nating 2. Actually marami pang iba pero baka humaba ng masyado kaya eto nalang muna for now. Next time na yung iba. Haha! Pero totoo talagang sayo ko natutunan ang mga 'yon. 

Salamat brad sa lahat. Sa lahat ng tawa, ng saya, ng pelikula, ng kanta, ng installer, ng tshirt, ng resources, at kung anu-ano pa. Sa lahat ng tulong, sa lahat ng pinagsamahan natin, sa lahat ng kulitan, kwentuhan at halakhakan. At siyempre sa lahat ng utot na pinaamoy mo samin twing kasama mo kami. SALAMAT.  

Kung ako ang tatanungin, sa totoo lang ayaw ko sanang umalis ka. Sino ba naman ang may gustong umalis ka. Pero siymepre ang selfish ko naman kung pinairal ko yung mindset ko na yun. Alam ko naman kasi yung purpose, yung reason kung bakit kailangang umalis. Alam ko din naman kung may option ka pipiliin mo ding wag umalis, pero minsan hinihiling talaga ng sitwasyon at panahon na umalis ang mga taong mahahalaga sa buhay natin. OO, mahirap para samin na maiiwan mo dito. Siyempre malungkot dahil wala na yung makwento, wala na yung makapal ang mukha, wala na yung magaling makisama, wala na yung magaling mambola pero naisip ko din kung mahirap samin malamang mas mahirap sa part mo. Kasi wala kang dadatnang kaibigan diyan. Ayan, kasi, aalis-alis ka pa eh. Hahaha! Alam kong ito naman talaga ang pangarap niyo ng mommy mo nuon pa. Sa wakas, matutupad na siya! Checkan mo na yung dream book mo! Hehe! At dahil diyan, naging parte nadin ng pangarap ko ang na matupad ang mga pangarap mo kaya checheckan ko na din yung dream book ko. Hehe.

Hay. Ang hirap pa ding isipin na sa susunod na mga gala, simba, lakad, bday, swimming, ci, meeting, eh di ka na namin kasama. Pano na kami matatawa kung wala ka na? Haha! Ganito pala yung feeling pag may sobrang importanteng tao sayo na aalis at malalayo ng matagal. Ang hirap. Malamang isipin nung iba ang gay ng blog na 'to. Wala akong pakialam, dahil ang tunay na kaibigan kayang sabihin ang mga ito sa kapwa niya tunay na kaibigan. Haha! Ang hirap talaga, ang hirap malaman kung pano ko tatapusin tong blog na 'to kasi ang dami ko pang gustong sabihin, ang dami ko pang gustong ipagpasalamat sayo. Basta sobrang salamat sa lahat ah. Mula sa pagsakay sa FX niyo na naging FX namin at pagsakay sa Revo niyo na naging Revo namin. Sa lahat. as in lahat! You are the hottest person(next to me) i know(si david kasi yung coolest eh. haha!) It has always been a joy in my heart every time na magkakasama tayo. Ibang klaseng saya pag kayo ang kasama. Ibang klase mga kaibigan kayo. Ibang klaseng pagkakaibigan ang meron tayo. I really thank God for your life. Thank you for sharing your life with me. Pasensya na din kung may mga pagkakataon na nabadtrip ka at naaasar ka sakin. Sorry. 

Pagbalik mo dito certified engineer na si David at Art Director na ko! Bigtime na kami sa mga panahon na yun. And what should we expect from you, malamang mas bigtime ka na nun samin(bukod sa literal na bigtime ka. haha!) Feeling ko ang haba na nito, pagkatapos mo to basahin malamang nasa Canada ka na! Haha! Buti may FB, hehe! Balitaan mo kami kung ano ng nangyayari sayo jan ah. Babalitaan ka din namin kung ano ng nangyayari samin dito. Sobrang mamimiss ka namin. Wag mo din pala kami pagpapalit sa mga bago mong kaibigan dyan ah. Haha! 

Mag-iingat ka dyan. Labyu brad! Hahaha! God will surely bless you abundantly! PRAY hard!

Thursday, July 7, 2011

The Church Job


My Beloved Church
     Have you ever heard of a news na nanakawan ang isang simbahan? I’m quite sure you did. Grabe no? Walang patawad, pati simbahan. That’s insanity! I couldn’t fathom what in the world would force them to do such heinous act.

      Eh nanakawan na ba ang simbahan niyo? Kami? Hindi pa not until during the typhoon “Falcon”. YES, our church was robbed obviously by cold-blooded robbers. We don’t know who they are or why did they do that. It was unexpected (malamang, san ka naman nakakita ng magnanakaw na expected mo?) but it was quite shocking. Our church is not the biggest, nor the richest. I don’t know why they chose our church. We don’t even have the best things, or the best instruments (parating palang yung mga best things at best instruments, in Jesus’ name.) Nakuha sa church namin ang bass guitar, guitar amplifier, mic amplifier, microphones, 2 golden vase na kulay gold lang at nauna pa yatang maging Kristyano yun kaysa sa akin, at yung bagong donate na candle holder.  Ayun, medyo konti lang naman. Hindi naman aabutin ng daang libo ang mga gamit na nawala sa amin, kaya malas lang nila, mali ang pinuntirya nila. Haha! Kaso, sayang pa din yung mga gamit na yun. Unang-una hindi namin magamit yung sound system kasi walang ampli, so nung Sunday, nagtyaga kami sa karaoke, buti nalang may nagpahiram. Medyo mahirap umareglo ng kanta para sa PAW dahil kulang kami sa tunog, kaya mahirap din. Pero pinaka nanghihinayang ako dun sa 2 golden vase! Haha! Mas nauna pang maging born-again sa akin yun eh! Ang cool pa naman nun! Tirahan ng mga lamok, gagamba, at kung anu-ano pang insekto. Haha! Bahala silang lamukin dun! Kala nila! Hahaha!


Paalam mahal kong kaibigang bass guitar
                Ang daming kuro-kuro at bali-balita ang kumalat. Nagkaroon din ng mock investigation. Maraming nagpaka-“Detective Conan at Sherlock Holmes” at isa na ko dun, the other “detectives” are David and Joash. Hahaha! Ayon sa deduction namin ng mga kasama kong “detective” ang insidente ay naganap sa pagitan ng Biyernes ng gabi hanggang Sabado ng gabi. Sa kasagsagan ng bagyong “Falcon” at maaaring sinabayan ito ng mga suspek. Kasabay ng bagyo ang pag-baha, ang  malakas na kulog at ang walang habas na ingay na dulot ng mga ito, pati na rin ang brown-out. Everything may look normal. Hindi mapagkakamalang magnanakaw sila, ni hindi nga mapapansin na may pumasok sa simbahan o magnanakaw na pala ang pumasok sa simbahan. Pwede kasing umarte lang sila na ililikas nila ang mga gamit kasi mataas na ang tubig. Sa dilim ng lugar nobody would notice their freakin’ faces. Nobody would know that it wasn’t us. They broke the lock, enter through the front door, and grabbed everything they can. No sweat isn’t it? I mean, no one would suspect that they were robbers! As our “investigation” went further, we have made another deduction. Sira ang portion ng kisame ng CR ng girls at basag ang takip ng toilet bowl. At first we thought that it was their entry point but we eventually realized that the hole was too small for an adult to go through that. Siguro kung ako yun, kasyang-kasya ako dun kaso lang hindi ako yun. Haha! After having thought of it, naisip na namin na sinira nila yun to find a way papasok sa likod ng church. Pwedeng dun nila sinilip kung makakadaan sila dun. Meron pa kasing kitchen at room sa likod at gilid ng church namin. Maybe they wanted to go there through the ceiling but unfortunately for them, diretso hanggang kisame yung pader nung church, so it was a dead end for them. Bwahahaha! Buti nalang talaga at nakalock yung pinto dun sa gilid at nagtanga-tangahan silang hindi buksan. Haha! Siguro naisip din nila, na magke-create yun ng ingay pag sinira nila and with that pwedeng mahalatang magnanakaw na sila, so they left the church without entering the kitchen and back room. Well, wala naman silang mananakaw sa kitchen, nanakawin ba nila yung mga container ng tubig dun? Nanakawin ba nila yung mga kaldero at rice cooker? I don’t think so. Ang crucial eh yung laman nung back room. May malaking TV dun at dun nakatabi yung keyboard namin na alam niyo na. Haha! Buti nalang talaga! After namin ma-eksamin ang mga pangyayari ay may mga conclusion na lumabas kung bakit kailangang nakawan ang aming simbahan. Unang-una naming naisip, baka may gig sila at kailangan nila ng mga gamit kaya pinuntirya nila ang sound system namin. Sunod naming naisip baka magtatayo sila ng music studio at wala silang sapat na gamit kaya kinuha nila yung mga gamit namin. Isa pa naming naisip, baka magtatayo sila ng church, at dahil bago palang yung church nila, wala pa silang pondo pambili ng mga gamit kaya kinuha muna nila yung sa amin at gagayahin yung set-up ng church namin kasi pati candle holder at golden vase kinuha eh. I don’t know what their reason is at kung anong klaseng rationale ang meron sila at nagawa nila yun.

                Lilinawin ko lang, hindi masama ang loob ko sa mga nangyari pero siyempre hindi rin naman ako natutuwa. Sakto lang. I know it will be replaced. Kung titignan ang sitwasyon ng church namin, mukhang imposible. Mukhang walang kakayanang makabili ulit ng gamit. Honestly, when I first heard the news, naisip ko kung pano namin yun papalitan. Wala akong makitang way talaga. Hindi naman ganun kadaling maglabas ng pera para bumili ng mga gamit. Until God spoke to me when I was doing my devotions (kaya magsipag-devotions kayo! Dun niyo malalaman yung mga revelations at promises ng Lord). He told me that He’s gonna replace everything that was stolen. He will replace it with even better things! That’s what He promised to me and I believe on that promise. Minsan kasi yung mga problema at pagsubok sa buhay natin eh hindi natin maappreciate. Well, mahirap nga naman yun, pero I want you to know this, life’s setbacks are actually God’s setup sabi ng isang pastor. C’mon now, problems are blessings that are yet to unfold. Don’t fret, don’t lose hope, there’s always a rainbow after the rain. Lemme’ share you something; Satan will attack you before a great event in your life unfolds. Kailangang subukin muna ang puso bago ipagkaloob ang pangako. Maybe now, you can’t see things clearly, you can’t picture out the whole thing, think as if your life is a puzzle, everything is connected, everything is essential for you to make the picture whole. God is on the process of putting the puzzle pieces together. It will take some time to finish that puzzle but always remember the one who is arranging the puzzle is GOD! C’mon! Isn’t that great? If I were to arrange my own puzzle I would surely mess up. I’m glad GOD is the arranger of my life. Guys, be positive! Don’t you ever lose hope! Don’t you ever give up! You were not created just to give up. God wants you to believe that He’s gonna bless you abundantly. God wants you to believe that you’re gonna experience supernatural favors from Him! Don’t think of the things that were taken away from you, the relationships that were taken away from you, and the job that was taken away from you, move on. Those things were taken away from you not to hurt you or to punish you, but to bless you. How? God wants to replace that with something better. Maybe you don’t get it, sometimes, it doesn’t make sense, the events that are occurring in our lives are so horrible and hopeless. Sometimes it seems that God doesn’t make sense, YES! God doesn’t make sense ‘coz the way you think is not the same way that God thinks. Don’t limit God with your imagination. God can do things far beyond what your mind can imagine. Maybe you can’t see any way to get through your problems but God sees a million ways to solve that. You just have to believe, to trust and to obey. God is not blind, He can see you. God is not apathetic, He can feel you. God is not dumb, He understands you most than anybody else does. He’s gonna bless you! He’s gonna pour out His favor on you. He’s gonna propel you upwards! You will experience divine acceleration. It’s time to stretch your heart! It’s time to activate your faith! It’s time to believe!

We are unstoppable! Nothing can stop us from worshiping God!
PS. For those who have been touched and moved by this story you can help us restore our stolen things. Give, for it is in giving that we receive! (Wala akong intensiyong patamaan kayo dahil tinitira ko talaga kayo! Hahaha!)

Monday, April 18, 2011

I was called by My Master

(originally written last November 05, 2009)
babala: ang blog na ito ay luma na. na-retrieve ko lang 'to sa aking multiply site. haha!

December 22, 2007- Christmas Presentation ng UMYF sa church namin sa Alpha and Omega UMC. We have decided na kumanta individually. Pipili kami ng song of choice namin tapos yun ang kakantahin namin sa araw ng presentation.Nakapili na ang lahat, syempre pati ako. Bale 5 kaming nagperform. Excited ako sa gabi ng presentation. It would be my first time to sing in public after so many years. (trivia: noong bata ako eh whenever may school event my teachers would always request me to sing an April Boy song specifically 'Di ko kayang Tanggapin' which happened to be my favorite song then. Kaya ang tawag sakin nung bata ako sa school namin eh Idol-palayaw ni April Boy) Ayun. Alam niyo na ang isang malupit kong childhood secret. Going back to the story, it was my turn to sing, I'm very excited to sing 'My Savior God' by Aaron Shust, great song. I gave my best shot, sa tingin ko naman it turned out good. hehe. (kapal ng mukha). After the presentation I was overwhelmed with comments coming from my churchmates saying, 'may boses naman pala eh, kala ko puro tugtog lang' (organista kasi ako sa church namin dati), 'good job out there', 'kaya pala nag-imbita ka pa' (i invited my nanay at yung tita ko to watch me), at kung ano-ano pang magagandang comments (feeling ko ang yabang ko). hehe. Sabi nila maglead daw ako sa praise and  worship, i refused. Sabi ko 'ayoko tutugtog nalang ako'. Tapos ang usapan. Hindi naman nila ako kinulit. I remained our PAW team's guitarist pakiramdam ko noon kuntento na ko, pakiramdam ko noon ang tumugtog ang ministry ko. Bakit ko kinukwento 'to? Wala lang. Trip ko lang. Gusto ko lang. Pero kung kung gusto mong malaman basahin mo lang.

December 24, 2008- 18th birthday ko 'to, seryoso ako. Hindi kami kakanta. Children's night kasi 'to. Sinama ko lang para malaman niyo na twing December 24 ay birthday ko.

December 25, 2008- Pasko na! Yey! Ang saya-saya! Pero it was one of the most memorable Christmas I ever had. Bakit? Kasi nag-18 na ko! Joke lang. Kasi I was able to sing again but not for the people, I was able to sing for the Lord dahil I led the Praise and Worship sa church namin on that day. It was my first time. I never knew that one day makakapag-lead ako ng PAW. I don't have that magical voice, pang-April Boy nga lang ang boses ko eh. hehe. Although nung bata ako pangarap kong maging singer pero hindi talaga ako magaling kumanta. I can say kaya ko lang kumanta coz everybody can sing but everybody can't sing well. Nagpraktis kami ni Kuya Tom nung December 24 nung gabi pagkatapos nung presentation nung mga bata. Super rush pa yung praktis namin. Isang pasada lang sa lahat ng lineup ko. Napakagaling na musician ni Kuya Tom kaya nakakapressure na siya ang tutugtog ng mga kakantahin ko but then kinapalan ko nalang ang mukha ko. Natapos ang praktis in less than 10 minutes. Sabi ni Kuya Tom 'pakiramdaman nalang bukas', sabi ko naman 'sige, bahala na, pakialalayan nalang ako ah.' Then came the Christmas day. I was quite nervous dahil first time ko nga yun to lead, todo-porma pa ko. Nag-long-sleeves at vest pa ko. Pagpasok ko ng church sabi nila san daw ba ang shooting, gawa nga ng porma ko. Natawa nalang ako. hehe. Diretso sa loob. Kabado. Hanggang sa nagsimula na ang PAW at hanggang sa natapos na ito. Mukha namang ok sa tingin ko. Sabi ni pastor isang revelation daw ni God ang pagiging worship leader ko. Hindi ko naman inaasahan yun. Hindi ko nga yata ginusto yun dati. Hindi ko alam kung bakit ako, pwede namang yung iba, maraming mas magaling kumanta sakin, pero bakit ako? Hindi ko kayang sagutin 'to siguro hindi nyo din kayang sagutin kung bakit ako, kung bakit kayo, kung bakit tayo ang tinawag ng Panginoon.

Until now ay ako ang worship leader sa church namin, pero I can't sing without my guitar kaya tumutugtog ako habang kumakanta.(nagyabang na naman. hehe.) Madaming revelations, madaming realizations, madami siyang gustong sabihin, marami siyang gustong ipagawa sa akin, sayo, sa atin. I always dreamt of being a guitarist or a pianist but never a worship leader. Akala niyo ba madali? Hindi. Mahirap. Ikaw ang leader, kaya nga worship leader eh, hindi ka singer, isa kang worship leader, naiintidihan mo ba yun? Hindi ka din performer o entertainer sa mga tao, isa kang worship leader. Malaki ang responsbilidad mo, natin. Hindi mo naman kailangang mag-aral sa UP conservatory of music para maging valid kang worship leader eh, hindi mo din kailangang mag-audition sa Pinoy Dream Academy para matuto ka ng singing techniques, kailangan mo 'faith' 'trust' at 'love' para sa Panginoon. We are called to lead God's people to worship. Hindi ka nagiging worship leader tuwing linggo lang, o tuwing kakanta ka sa harap ng mga tao sa loob ng simbahan, worship leader ka araw-araw, alam mo ba yun? Maraming mata ang nakatingin sayo, including God's eyes. Wala kang kawala, what you do reflects who you really are. Hindi ka nagiging banal tuwing linggo lang. Maraming Kristiyano ang Kristiyano lang tuwing araw ng linggo. Sana ikaw, tayo hindi lang tuwing linggo nagiging worshipper, sana araw-araw kahit na sino pa man ang kasama natin ay makita sa atin na may kakaiba sa atin. Kakaiba in a way na positive ang dating. Kahit hindi mo na ipagsigawang Kristiyano ka eh sa kilos palang malalaman na ng iba kaysa naman ilang beses mo na sinabing Kristiyano ko pero walang naniniwala kasi hindi nila makita sa mga kilos mo. We have a choice! You have a choice, it is exclusively yours. Alam mo ba kung bakit hindi ginagamit ni God ang power niya na pasunurin tayo? Kasi gusto niya satin nanggaling, gusto niya tayo ang nag-kusa at walang pumilit sa atin. Kasi once na Siya ang pinili natin alam niyang tama ang choice natin. Ikaw which do you prefer? Ikaw ang mamili, hindi ang nanay mo, ang tatay mo, ang pastor mo, ang bestfriend mo, ang prof mo, ang barkada mo o kahit sino pa mang related sayo, wala sa kanila ang pipili para sayo. Ikaw lang. Stand firm on your decision and challenge it. Panindigan mo. Kung pinili mong sumunod sa agos ng mundo may oras pa para baguhin ang choice mo at itama ito. Kung pinili mo naman ang sumunod sa Master natin, congratulations! Pagtatawanan ka, lalaitin ka, ididiscrimate ka, ok lang ba sayo yun? papayag ka ba nun?Matitiis mo ba yun for God? Sigurado ako matitiis mo yun, kasi naniniwala ang Diyos sayo na ipagtatanggol mo siya higit pa sa pagtatanggol mo sa girlfriend mo o sa boyfriend mo. Diba tama ako? I can do everything para sa Lord, kung sa mga nililigawan mo kaya mong sabihin yun pano pa kaya kay Lord na inlove-na inlove sayo. Isipin mo sa sobrang in-love sayo ni Lord hinayaan niyang mapako ang anak niya sa krus. Diba?you see kung gaano ka niya kamahal?kung gaano niya tayo kamahal? Hay, sarap ng pakiramdam pag nalaman mong mahal ka din ng taong mahal mo no? Pero mas masarap kung malalaman mong mahal na mahal ka ni GOD! At sinasabi ko sayo ngayon na mahal na mahal ka ni GOD! OO ikaw na nagbabasa nito ngayon, mahal ka ng Diyos dahil nag-iisa ka lang sa paningin niya, wala siyang nilikhang katulad mo. Nakita mo ba ang kalawakan?ang ilalim ng dagat?ang mga halaman?ang mga bituin?ang mga hayop?nakita mo ba ang lahat ng ito?diba maganda. Pero you know what God said? Oo nga maganda ang mga creations ko pero among them IKAW ang pinakamaganda, IKAW ang pinaka-mahal ko. tamis lang. Mahal ka ng Panginoon! Ano'ng isasagot mo? I loveyou too lang? hanggang salita lang ba? Mas gusto Niya kung gagawin mo.

Tulad ng nangyari sa buhay ko, binago niya ako mula nung naging worship leader ako. Hindi mo kailangang maging worship leader bago baguhin ng Diyos ang buhay mo. Gusto niya lang ng request mo at actions mo para mabago ng Diyos ang buhay mo. Buksan mo na yang puso mong matagal ng nakasara, excited ng pumasok si Lord at baguhin ang buhay mo.  Sabi nga ni Robin Padilla sa commercial niya sa Skyflakes 'eto nang break mo, kagatin mo'. Baka eto ng break mo bilang servant ni God, kagatin mo, sumunod ka na, wag ka ng umangal pa. God is probably calling you right now.  Baka hindi mo lang naririnig o baka ayaw mo lang pakinggan. Check mo may pending request ka from your Master, will you ignore it or accept it?You choose.

MULTIPLY!

GodblessGod!

Lakad kung lakad

(originally written last July 30, 2009)
babala: ang blog na ito ay luma na. na-retrieve ko lang 'to sa aking multiply site. haha!




"2 pa kulang. Kaliwa-kanan pa ho yan oh, konting usod na lang po ng makaalis na kayo. Hindi po kayo makakaalis kung hindi kayo uusod, kayo rin ho ang matatagalan. Oh 1 nalang! kanan ka miss. Oh larga na!", ang sabi ng barker sa terminal ng jeep.

Pasado 5:34 kahapon ng hapon ng mangyari ang hindi inaasahan.

Habang taimtim at matiwasay na tinatahak ng "old jeep" na nasakyan ko ang kahabaan ng north luzon expressway at mas kilala sa pangalang nlex ay biglang may isang malakas na ingay ang umalingawngaw. BOOOOOOMMMM!!!! ang tunog na aking narinig, pero di ko talaga sure, BOOOOOGGGG! yata yun, basta sure ako either of the two. Pagkatapos naming marinig ang tunog na yon ay nagsimula nang magpagewang-gewang ang "old jeep" na nasakyan ko. Kaboom baby! sumabog ang gulong, at take note, hindi lang siya basta flat, sabog talaga. Sari-saring reaksyon at ekspresyon ng mga pasaherong kasama ko sa "old jeep" ang sumambulat sa aking mga mata. Maraming tumiling babae, pati ang bading na katabi kong naka-kulay blue at yellow na tshirt. Sambakol naman ang mukha ng mamang nasa harap ko, malakas ang kutob kong natatae na yun kaya umalis na agad siya ng "old jeep" at naglakad. Mukhang nabadtrip naman ang estuyanteng nagising dahil natagtag sa byahe nung sumabog yung gulong, puyat yata yun kakaaral kung anong magandang build kay ogre magi. Yung isang babaeng katabi ko dedma lang, as if walang nangyaring delubyo sa amin. Yung "old man" na driver ng "old jeep" ay agad na kinuha ang kanyang mga gamit at spare na gulong para palitan yung nasirang gulong. Confident siyang maaayos niya agad ang jeep, pati ako na-uto sa tindi confidence niya. 10 mins. after walang pagbabagong naganap. Sabog pa din ang gulong, unti-unti nang naglalabasan ang mga pasahero, pinagpapawisan na si manong driver at mukhang naghihintay nalang na makakuha ng tamang pagkakataon para sabihin sa amin na "pasensya na po kayo, lipat nalang po kayo ng jeep o kaya po lakarin nyo nalang hanggang sa tollgate ng marilao, malapit nalang po yun eh." At siguro sa loob-loob ni manong driver hinihintay nya nalang din na marinig sa mga pasahero ang mga lait, reklamo at mura. Sa puntong iyon saglit akong tumingin sa aking "swatch" na wrist watch na suot ko na first year hayskul palang ako, nakita ko ang oras, its getting late, may hinahabol pa akong appointment ng  6:00pm at di ko sasabihin kung ano yun. hahaha (joke lang yun). Noon din ay napagdesisyunan ko nang umalis na ng jeep at maglakad na sa kahabaan ng nlex. Hmm. lakad? sa nlex? pwede ba yun? pano?

OO. Naglakad ako sa nlex pero sa gilid lang. Binigyan ako ng 2 option ng tadahana, a.) maghintay ng 1 week sa loob ng jeep bago ito makumpuni ni manong driver; b.) maglakad sa nlex. Pinili ko ang letter b. Naglakad ako sa nlex. Ang saya pala ng pakiramdam ng naglalakad sa nlex. Agaw pansin sa mga motorista. Halos lahat ng dumaan pinansin ako sa pamamagitan ng pagbusina nila sakin, grabe, sumikat ako instantly. Hinihintay ko nalang na dumaan ang patrol para ihatid ako sa tollgate pero walang dumating. Binilisan ko ang lakad ko. Mga 15 mins din akong naglakad sa gilid ng nlex. After 15 mins nakarating din ako sa tollgate ng marilao. Yes, pero di pa dun natatapos dahil maglalakad pa ulit ako ng mga 15 mins para makarating sa sakayan ng jeep. Whoo. Hulas. Pawis. Pagod. Nakarating din sa sakayan ng jeep. Mga 5 mins and 04 sec. na ang lumipas wala pang jeep na dumadaan. May tricycle na dumating, dinedma ko lang. 1 min. and 33 sec. pa ulit ang lumipas at  malagkit pa din ang tingin sa aking ni manong trike driver, tinanong ko na si manong trike driver kung magkano hanggang hi-way, Php 8.00 daw, mura lang pala, parang jeep lang din ang pamasahe. Sumakay na ako pag sakay ko sa upuan sakto may dumaang jeep. Beri gud! Sabi na nga ba eh dapat pinairal ko ang patience ko, pero ayos lang, mas convenient sa trike, at mas mabilis. Ayos. Nakauwi din.

Narealize kong isang achievement ang makapaglakad sa nlex. Hindi lahat ng tao ay nabigyan ng pagkakataon na maglakad sa nlex. May sigurado na akong maipagmamalaki ko sa buhay ko-nakapaglakad ako sa nlex. Pag may hayskul reunion kami maipagmamalaki ko sa mga hayskul friends at teachers ko na, mga pre, sir at ma'am, if there's one thing na proud ako sa sarili ko yun ay yung nakapaglakad na ko sa nlex. O kaya naman sa parents mo, nay, tay,salamat sa pagtuturo niyo saking lumakad noong bata pa ako, kundi dahil sa inyo hindi ko siguro maeexperience maglakad sa nlex. O kaya naman kung mag-aaply ka sa trabaho pede mong ilagay yun sa resume mo, sa section ng experiences mo, i was able to walk at nlex, pogi points yun, wala pang ibang nakakagawa nun, ikaw palang. Tapos pag job interview na, pag tinanong na sayo na what makes you qualify for this job? pede mo na ulit ibida at ipagmalaki yun, sir/ma'am the fact that i was able to walk at nlex makes me qualify for this job. Oh diba? astig nun. May advantage na ko pag mag-aaply ako sa trabaho. Ayos, ang galing ko talaga, buti nalang pinili ko yung option b.) kung hindi malamang wala akong ganung experience. At syempre nais kong magpasalamat kay manong jeepney driver dahil kundi dahil sa bagal niyang kumilos eh malamang di ko lalakarin yung nlex.

Hehe, just wanna say na dapat ay matuto tayong magpasalamat sa Diyos sa bawat pangyayari sa ating mga buhay, whether we like it or not. Just keep in mind na yun ang gusto ng Diyos para sa atin. We just have to listen and believe the voice of truth. Ang dami kasi nating reklamo, wala naman tayong ginagawa kundi magreklamo ng magreklamo, mga whiner tayo masyado. Kailangan lang natin ay sumunod sa Diyos-tsuper ng buhay natin, para maging maayos ang takbo ng mga gulong natin sa pagtahak natin sa isang mahabang paglalakbay na karaniwang tinatawag ding "buhay". 


"O ayos na pala yung gulong eh, larga na ulit!"

Aba! 3rd Year na Pala Ako!

(originally written last July 19, 2009)
babala: ang blog na ito ay luma na. na-retrieve ko lang 'to sa aking multiply site. haha!


Tik-tak-tik-tak-tik-tak, ang sambit ng orasan sa paglipas ng kaybilis na oras na halos di natin mamalayan.

Ang bilis, parang may hinahabol, nagmamadali ang oras.

Oo, mabilis ang oras at kung hindi mo ito namamalayan...eh di hindi.

Parang kailan lang inabot sakin yung diploma ko nung hayskul sa covered court na laging inaarkila ng skul namin tuwing recognition at graduation, pati pala JS Prom, tapos ngayon halos nangangalahati na ko sa kolehiyo. Sabi ko sayo ang bilis diba?

Sariwa pa sakin nung nag-entrance exam ako sa mapua, sa may avr 2, sa tabi ng aircon dahil dun daw ako umupo sabi ng proctor at dahil masunurin akong bata sumunod naman ako. Nung una naeenjoy ko pa ang lamig nito pero habang lumilipas ang oras at habang taimtim akong nag-iisip ng mga isasagot ko sa answer sheet unti-unti kong nararamdaman na lumalamig na, lumipas pa ang ilang minuto nanginginig na ko sa upuan ko pero hindi ko pinapahalata sa katabi ko at baka kung ano pang isipin niya. Para labanan ang panglalamig tuloy-tuloy lang sa pagkawag ang aking mga paa dahil napag-aralan ko sa science nung grade 6 ako mga bandang october 21 yun na motion produces heat daw. Di ko alam kung nabawasan nga ang panglalamig ko pero patuloy padin ang pagkawag ng mga paa ko at patuloy na umaasang mapapainit nito ang pakiramdam ko. Natapos ang exam, nasagot ko naman lahat. Pakiramdam ko mas napagod  pa ang paa  ko kaysa sa utak ko. Napagod din yung gull bladder ko kahit na hindi ko alam kung anong gingagawa nun sa katawan ko. Lumabas na ko ng avr2  at kinuha  sa shelf ang bag kong binili pa ng nanay ko sa divisoria at tuwang-tuwa ako nung ibinigay nya yun sakin. Umuwi na ko. Pagdating ko sa bahay chineck ko agad ang resulta ng exam sa website ng mapua, nalungkot ako dahil wala pa ang resulta next week pa daw ilalabas. Kahit na sinabi na nilang next week pa ilalabas ang resulta araw-araw ko pa din chinec-check sa internet para malaman kung pumasa ba ako matapos mag-exam katabi ng centralized airconditioner. Thursday, chineck ko ulit, sa wakas, hindi ako bagsak, pasado ako!

Ilang araw ko din pinagyabang yun mga kaklase ko nung hayskul, papasok ako na nasa bulsa ng polo ko yung resulta nung exam at medyo nakaangat ito para madali nilang mapansin, tagumpay ang plano ko, madali nga nilang napansin. haha. ang galing ko. (joke lang).

Pagkatapos kong kunin ang diploma ko sa covered court kung saan laging pinagdarausan ng  recognition at graduation at, teka, parang nasabi ko na to kanina? eto nalang, matapos kong abutin ang diploma ko at kamayan ang guidance counselor naming masungit na ikinasal na daw last month sa manila cathedral at nagreception sa manila hotel, ano'ng pakialam ko, hindi naman ako imbitado. Papaigsiin ko na, pagkatapos kong makagraduate ng hayskul inasikaso ko na ang enrollment ko para sa college.

Ang haba ng pila sa LRT pero nakasakay naman ko, dun ko unang naranasang makisakay sa agos ng mundo dahil talagang tatangayin ka sa loob kahit hindi ka maglakad. Doon ko din unang maranasang mapagitnaan ng mga taong hindi ko alam kung hindi naliligo o kung sibuyas ang gamit nilang deodorant, masuka-suka ako noon. 5th avenue palang gusto ko nang bumababa pero central pa  ang destinasyon ko kaya tiniis ko nalang pero hindi nila matiis at tinaas pa nila ang kamay nila, di ko na matiis, nilabas ko na ang panyo kong pierre cardin na inarbor ko pa sa kaklase ko nung hayskul. Sa wakas nakarating din sa central terminal. Narealize ko ang kahalagahan ng fresh air. Konting lakad, about 607 steps, nakarating ako sa mapua.

Pagpasok ko sa mapua ang daming tao at maraming hindi mukhang tao. madali lang mag-enroll, mabilis lang, pero hindi pa dun natatapos dahil kahit bayad ka na sa tuition fee kelangan mo pang bumalik next month para sa medical exam. Binigyan kami ng 2 maliit na plastic container, napakamot ako sa ulo, alam ko na kung para saan ang 2 iyon, bahala na kayong manghula kung ano yon. Dumating na ang araw ng medical exam, binalot ko ng 5 layer ng  broadsheet na dyaryo ang binigay sa aming maliit na container, para secure, para safe. Pinakaiingatan ko yun nung araw na yon, mabagal ang lakad ko, hindi ako nakipagsiksikan sa LRT, maingat ako hanggang sa makarating sa mapua. Ibinigay ko na sa medical staff na nandun. Isang small sized plastic cup  na may lamang kulay brown ang pumukaw sa aking atensyon. Galing yun sa lalaking kasabay kong nagpasa. Guess what kung ano ang laman nung plastic cup na yun. Gusto nyo bang malaman? Ako ayoko nang maalala pa yun. Natawa nalang ako nung sinabi nung medical staff "kuya ang dami nyan ah". Pagkatapos dun, nagpa-x-ray ako, nagpa-eye-check up at nagpadental check-up. Tapos na ang medical exam. Uwian na.

Pasukan na. College na ko. Madaming nangyari, hindi ko na sasabihin lahat dahil baka makagawa na ako ng libro. Naging 1st year ako, masaya. Enjoy. Cool maging mapuan. Naging 2nd year na ako, masaya pa din, Astig. Mahirap. Nakakapagod maging mapuan. At ngayon, ay hindi pa pala ngayon, bukas pa pala ko official na magiging 3rd year. Bukas 3rd na ko hindi ko alam kung ano ang mga susunod na kabanata ng buhay ko dahil wala  naman akong kapangyarihang makita ang hinaharap at di ko gugustuhin na magkaroon ng ganoong uri ng kapangyarihan. Pero isa lang ang sigurado ko, magiging maganda, masaya, enjoy, exciting, cool, astig, productive, challenging, fruitful at cheerful(huh? bakit nasama ang cheerful?) ang pagiging 3rd year ko. Sigurado ako dyan, 100% panatag, bakit kamo? dahil nandyan ang Panginoon. Kasama ko siya. Walang dull moments kahit na santambak na ang plates, kahit na mala-quad-core na ang eyebag mo at pwede mo ng gawing coin purse at kahit na matae-tae ka na sa  tindi ng pressure. Sabi nga ni robin padilla sa commercial niya sa revicon "think positive, wag kang aayaw", maging optimistic at wag susuko (parang ganun din yun ah?). Basta kasama ko ang Diyos walang problemang hindi malulutas, dahil kasama ko ang sagot at solusyon sa mga problema.

Ikaw, 3rd ka na din ba? oh kahit hindi ka pa 3rd yr at kahit hindi ka sa mapua nag-aaral, kasama mo din ang Diyos, nandyan lang siya sa tabi mo, nakatingin sayo, binabantayan ka. Ang suplado/suplada mo kasi , pansinin mo siya, hinihintay ka ni Hesus na magkwento ng istorya mo. Pakikinggan ka niya. Sasamahan ka niya. Hindi ka niya iiwan kasi mahal ka niya. Mahal na mahal ka niya.

Tik-tak-tik-tak-tik-tak. Ang sambit ng orasan sa paglipas ng kaybilis na oras dahil 11:16pm na pala at hindi ko namalayan, may pasok pa ko bukas.

Aba, 3rd yr. na pala ako!